Sinisingil kaming 10k dahil illegal entry raw sa Marina Subdivision Parañaque kahit pinapasok kami ng guard
Doon kami tinuro ng map kaya akala namin nasa loob yung pupuntahan namin sabi ng guard wala daw run at mag u-turn daw kami pagkatumbok namin sa EDSA.
Pagdating namin sa dulo pinahinto kami ng guard illegal entry raw kasi dapat sa una palang nag U-turn na kami.
Illegal entry ba yun? Napicturan ang DL ng driver namin at ng kotse ko pero ayaw ibigay nung nagpicture yung pangalan nya kasi data privacy daw at di nya rin daw naman hinihingi pangalan ko.
Sakanya ko raw ibigay yung 10k sabi ko sa opisina nya ko dalhin pero dinala nya ko sa guard house sa entrance pagdating dun sabi sakin 5k na raw ang penalty. Bat nagbago?
Pinareview ko CCTV at narinig dun yung sinabi ng guard tumbukin ang EDSA at mag u-uturn na nilalaban ko una palang. Pero pinagtutulungan parin ako ng mga guard around 6-8 sila dun kasama nung tangang nagpicture ng kotse ko. Yung nagpicture hindi guard taga clamp lang. Pinapanakot pa yung clamp akala matatakot ako. Pinipilit nila yung sinabi ng guard upon entrance na “wala pong ganyan (place) dito”
Napicturan ang DL ng driver at kotse ko. Nasa loob rin yung anak kong 2yrs old at yung husband ko na PWD.
Ano pa pwede gawin bukod sa makipag coordinate sa opisina nila dahil mukhang wala naman ginagawa opisina nila nabasa ko sa visor may similar case kami.
Iniisip ko idemanda yung naniningil ng 10k pero di nya binigay pangalan nya. Nakita ko nung papunta kami guard house nag abutan na sila ng sobre akala nila magbibigay ako ng 10k. Wala kayo maloloko dito.
Ang siste clamp or 10k. Sabi ko di ko talaga yan babayaran. Clamp nyo nalang para mademanda ko kayong lahat ng child abuse. 🥳