Enrollment fiasco

Backward style ata ang kalakaran ng enrollment dito. Every sem kalbaryo.

Start na daw classes pero hindi mo pa alam saang block ka papasok. Sundin mo daw nilagay mo sa enrollment form mo tapos malalaman mo nilipat ka na pala.

Late pa mag-announce. Kanina pinapila mga estudyante para lang ayusin pre-registration nila. Kasalanan pa daw nilang late enrollee sila. Eh una sa lahat nakalagay sa memo na tsaka lang pwede mag/add/drop kapag may schedule na. Kelan ba nirelease yung sched? Last week lang ah. Malamang kawawa yung may mga back subjects kasi di nila alam paano aayusin buhay nila kakahintay.

Ang mahal ng tuition tapos wala man lang budget for enrollment?