ANG SARAP PALA MAPUNTA SA TAMANG TAO
5 years na kami ng boyfriend ko, 1 year sya nanligaw. Hindi naman ako sobrang kagandahan, at chubby chubby pa. Pero please, di ko alam kung ano ginawa ko at binigyan ako ni Lord ng gantong boyfriend. 😭
Ganto pala yung feeling na genuine talaga ang pagmamahal sayo ng partner mo no? Lahat kusa binibigay. I don’t even ask for him to give me those 5 love languages pero kusa nya binibigay, yung mga bare minimum? Basic sakanya. 🥹
Literal princess treatment. 🥹 Maski bababa ng bus, jeep, tricycle, lagi pa nya iooffer yung kamay nya kahit kaya ko naman bumaba mag-isa. Kapag minsan pumapasok ako office at ayaw nya magcommute ako dahil medyo malayo at hindi safe, ipagbobook nya ako ng grab. He always cooks for me too, minsan kahit di nya alam lutuin, aaralin nya lutuin para sakin. He randomly buys me things na kinukwento ko sakanya na bibilhin ko, or minsan sya nag ooffer kung ano gusto kong makeup, books, or games, tapos he’ll buy me randomly kahit walang occassion. He buys me stuff na di ko din narerealize na need ko pala until bigyan nya ako. Binilhan nya ako nung pang warm compress kapag may period ako. Nung naggym kami, he even bought me sportsbra LOL 😖 Pero kasi para daw mas comfortable ako.
Alagang alaga nya ako, maski kaya ko buhatin, sya nagdadala ng mga gamit ko. Maski hindi ako nakapalda or nakadress, sya pa din mag aayos ng sintas ko. Nagdadala sya lagi ng panyo para may pangpunas sya sakin. Kapag pawis ako, kusa nya pupunasan at sasapinan ng towel likod ko. Kapag kumakain kami, pinagbabalat nya ako ng shrimp, at pinaghihimay nya ako ng meat.. 🥺
Hindi nya ako tinitipid sa kahit ano, sa lahat ng love languages, busog na busog ako. 🥺 words of affirmation, acts of service, gifts, physical touch, and quality time. Nagkikita kami halos araw araw na din. Pagkauwi niya, he will tell me na miss na miss na nya ako as if matagal kami hindi nagkita. Pinaka matagal na namin na hindi nagkita ay 2-3 days lol.
He didnt force me to do things na ayaw ko pa gawin. Intimacy, we’re intimate naman pero not too intimate. We havent done the deed yet, Im scared kasi na mapreggy since marami pa ako/kami plans sa life (we’re both mid 20s), and he respects na we can do it once we’re ready na sa responsibility just in case 😅
Wala din syang bisyo. Kaya payapa ako pag may mga okasyon. Di ko naman sya pinipigilan, minsan nga ako nagsasabi sakanya kahit magshot man lng sya minsan, okay lang haha. Pinaka libangan lang nya ay video games, kaya sinabayan ko na din siya maglaro, ngayon lagi na kami nag oonline games sa PC (he built PC for me), tapos minsan nakakalaro din namin yung mga tropa nya or tropa namin. Hindi din sya mabarkada pero may mga tropa naman sya. Hindi kasi sya masyadong gala kagaya ko, kaya minsan pinipilit ko sya na lumabas nmn sya with his friends. Swerte ko lang din kasi maayos din yung circle of friends nya, walang mga bisyo, at maayos din as a partner sa mga jowa nila.
Hindi din sya pala react sa mga photos ng mga babae (which i know big deal din sa iba), hindi sya nagtatago ng mga accounts nya sakin. Hindi naman ako mahigpit sakanya, hindi ako lagi nagssnoop sa phone nya, pero alam mo yun, he lets me know na Im free to do so. Same din sakin syempre.
Hindi din sya palachat sa girls, medyo masungit sya sa iba except kapag nakakaclose na nya gaya ng mga tropa ko. Sobrang bubbly nya at halos parehas kami ng ugali. Pag magkasama kami, maingay at tawa lang kami ng tawa lagi. (Minsan magkakatoyoan 😅) Naiisip ko nga, soulmate ko nga sya talaga. Kasi unang kita ko pa lang sakanya, literal na love at first sight ako, hindi dahil sa pogi sya, pero alam mo yun. Yung pagkakita mo sakanya, naramdaman mo bigla na “oh shit, siya na yun”. Kumbaga, hindi pa ko nafafall sakanya noon, pero alam ko na what we’re going to have in the future is a big thing, big love rather. 🥹
Haaays. Ang sarap ng gantong relationship. Hindi ko ineexpect na posible pala makahanap ng gantong lalaki no? Literal nasakanya na lahat. Ni minsan hindi nya pinaramdam sakin na kulang ako, or nabawasan pagmamahal nya. Love love lang lagi, sa loob ng 5 years . 😅 Although syempre, wala naman perfect relationship, nagkakatoyoan din kami kagaya ng ibang relasyon. Pero sa huli, mas nangingibabaw pa din yung love namin sa isat isa. Mostly ng away namin, petty fights lang lol. Sa sobrang petty hindi ko na maalala kung ano yung kinatoyoan namin 😂🤣
Yun lang! Sana mahanap nyo din yung ibibigay sainyo yung love na deserve nyo, yung kaya iparamdam sainyo yung princess treatment. Don’t settle for less girls, kasi kung mahal ka nyan, he will do anything to make you feel you are loved. 🫶🏻
EDIT: For those who are asking saan ko sya nakilala or paano nagstart ang relationship namin , I posted a separate one. https://www.reddit.com/r/OffMyChestPH/s/MrI6n6C6wt
Kalmahan nyo guys, sabi ko lang naman, ang sarap mapunta sa tamang tao, hindi sa perfect na tao 😭
PS. Hindi naman nya yan sabay sabay pinapakita or ginagawa sakin. It looks like it lang kasi sinummarize ko lang sa isang post on how good partner he is. But that doesn’t mean na yung relationship namin is all sparkles and rainbow. Wala namang perfect na tao and relationship. But sometimes, you need to step back and be appreciative din and try to see all the good things na ginagawa ng partner mo rather than focusing on a few things na hindi nya magawa. 🫶🏻 (I keep a long list of all the things he has done for me, even the small gestures. Not to keep count, but to remind myself on how good partner he is when days are rocky or nagkakatoyoan 😅)