LOVE (?) AT FIRST SIGHT

Dahil may mga nagtatanong sa previous post ( https://www.reddit.com/r/OffMyChestPH/s/f0CEVCINd2 ) ko kung paano kami nagkakilala or kung paano ko siya nahanap, dito ko na lang ishare.

Before I met him, I was brokenhearted. Nasa almost-moved-on stage na ako nung nakilala ko siya. So ayun habang broken ako, may mga nagkagusto at nagtry manligaw sakin (nakakaganda pala ang pagiging broken? char HAHA)

Hindi ako pumayag kasi hindi ko feel. I trust my instincts talaga. Feel ko yung iba sakanila, nainlove lang sa pagiging vulnerable ko, yung iba naman sabik na sabik lang magkagirlfriend, yung iba just inlove with the idea of being inlove. There are four guys na gusto manligaw sakin noon, pero dahil nga hindi ako nagmamadali, hindi ko sila hinayaan. I built my walls waaaay higher. Kasi natakot ako masaktan ulit. Natakot ako iquestion ulit yung worth ko, icompare sarili ko sa ibang girls. Until I met my man.

He was introduced by a mutual friend way back college days. This mutual friend is one of the guys na nagkagusto sakin, but I was honest naman sakanya from the start na friendship is all I can offer (so yeah, nagkaron ng conflict lol).

Kaso ayun, unang kita ko pa lang sakanya, alam ko na agad na siya na.. parang love at first sight? parang biglang nagfastforward yung utak ko, parang nagkaron ako ng glimpse sa future. Parang bumulong sakin yung future self ko at sinabing “You and him are going to be a big thing”. OA diba? Pero ganyan talaga e 😅 So everytime nakikita ko siya, in denial ako na nasense ko yun sakanya.

Eventually naging friends kami at napunta kami sa iisang circle of friends, habang nagiging close kami, parang mas lumalakas yung magnet namin. 🥲 Remember I built higher walls this time kasi takot ako masaktan ulit? So yung nafeel ko, pinagsiksikan ko sa dulo ng utak ko. I tried to set it aside.

Maraming nangyari. Meron syang ibang gusto, maganda, chinita. Pero hindi nya nililigawan. Inaasar ko pa sya na natotorpe lang sya. Pero sabi nya kasi, hindi pa sya ready magkagirlfriend.

Until us happened. I guess, if it’s meant to be, kahit paano mo iwasan, it will be. I won’t go into details na kung paano kami nafall sa isat isa at yung mga challenges na hinarap namin. Isang taon din sya nanligaw sakin bago maging kami. Bungad pa nya sakin, ayaw daw nya magmadali, ayaw daw nya madaliin yung samin dalawa. He is so pure, at sobrang naappreciate ko yung hindi nya pagmamadali. Hindi rin sya basta basta nag I love you sakin, he started with “I like you, I really like you, etc”. Hindi rin sya nagbibitaw ng promises. Sabi nya, ayaw daw nya kasi ng salita lang, hintayin ko na lang daw gawin nya. Those little things na pinakita nya sa isang taon na yun is the reason why I fell harder.

It took him 1 year to formally ask me to be his girlfriend. It’s all worth the wait. I can’t imagine what will happen if I gave in dun sa mga nanligaw sakin before him, siguro, matatagalan pa bago maging kami? Baka kung ano nanamang heartbreak naranasan ko. 😅

Ayun lang! Kaya girls, trust your instincts talaga. Mapa-good or bad yan, magtiwala kayo sa guts nyo. Kapag feeling nyo something is off sa guy, then walk away. Wag tayo magmadali. Baka kasi minsan, tayo yung nagdedelay na mameet yung tamang tao para satin 😆

Ayun lang, I hope mahanap nyo din ang para sa inyo. Know your worth girls! Build your walls! The right guy will wait until you’re ready to let him in your life. 🫶🏻