Napag iiwanan na ata ako

Hello! For context, I'm a chemist student po. Or grad? Well it's kinda complicated rn. Hindi pa ako officially graduate kasi wala pang ceremony and wala pa akong grade sa internship ko na noong october ko pa tapos. Napasa ko na rin by November yung requirements for internship and grade na lang talaga ang kulang.

Yes. Irregular student ako by 1 subj pero nahabol kaya 2020-2024 pa rin. The thing is, I feel like napag iiwanan na ako ng mga kabatch ko. My bff is a SMM rn, my college classmates were now hired sa big companies in Manila, my shs classmates are now employed and registered nurses na.

Ako? Here. Stuck. Hindi sa minamaliit ko pero nag BPO ako for a few months pero I had to quit since katawan ko na ang bumigay. This January, sa Kumon na ako magtururo and I feel like walang usad sa buhay ko. Walang savings pang review center. Hindi pa din ako nagtetake ng board exam last year kasi inuunahan ako ng takot. Ngayon naman, baka di rin ako makatake dahil walang pera pang review center.

I can't help but compare myself to my batchmates na kahit papaano ay may milestone na sa life nila.