Shoutout sa mga boomer kong officemates
Oh ano kayo ngayon? Gulat kayo sa promotion ko noh?! Hahaha! Sobrang satisfying makita yung mga reactions nyo kanina nung inannounce promotion ko to General Manager! Ilang buwan ko tong pinaghandaan at ilang taon akong nanahimik! Alam kong eversince pumasok ako sa kumpanya ayaw nyo na sa akin kasi mas nakasundo ako ng boss at ibang empleyado. Alam kong you all labeled me as the boss’ favorite, a puppet, sipsip at higit sa lahat, people pleaser! For the record, highly sensitive lang ako sa nararamdaman ng ibang tao because I grew up in strict household na once sumuway ka, for sure makakatikim ka ng palo ng hanger, walis or kahit anong mahawakan ni Mama (she has anger issues) kaya as much as possible my sibs and I always behave ourselves and natuto kaming lahat makiramdam sa paligid namin. Toxic but still, thanks Ma!
Kasalanan ko din bang ayoko maramdaman ng mga tao sa paligid ko na they are alone because I have struggled alone and I don’t want people to feel the same. I want to be the person I didn’t have when I was struggling. Pero hindi nyo na kailangan malaman yun kasi sino ba kayo? Wag nyo ipagmalaki sa amin na 10 years na kayo sa kumpanya at ako 5 years pa lang! Eh ano ngayon napala nyo? Oo tenure kayo, pero anong ambag nyo eh puro lang kayo pang iintimidate sa mga bago. Hindi ko pa nakakalimutan yung mga meetings natin na harap harapan at paulit ulit kayo na favorite ako ng boss. Siguro totoo nga, kasi nakikisama ako ng maayos. Di tulad nyo na laging may eyeroll kapag may pinagawa sa inyo. Gaano ba kahirap para sa inyo maging nice sa mga tao para pati pakikisama ko mamasamain nyo.
Naiintindihan ko naman na mas matanda at mas matagal kayo, di ko naman din dinidisregard na magaling kayo, pero matuto kasi kayong magpakumbaba. Ang toxic kasi ng mindset nyo na porket matagal na kayo sa kumpanya eh kayo na lang ang magaling at di na kayo pwede banggain. Kaya yung mga baguhan sa kumpanya ayaw sa inyo kasi ganyan lagi awra nyo. Take note, I never told newly hired people about them because it’s not hard to see that for themselves.
Ang dami ko pang gusto sabihin pero oks na, promoted na ako! Hayaan ko na lahat. Move on na for 2023. Hindi ko hinangad tong promotion kasi for sure dagdag responsibilidad at dagdag haters na naman to pero why not? The management saw something in me, sino ba naman ako para hindi magtiwala sa sarili ko. Gusto ko na lang pasalamatan ang sarili ko for not giving up and for sticking to my values. Ilang beses kong gusto pumatol at sumagot pero alam kong it won’t do any good, eto na nag bunga lahat ng pagtitiis ko!
Salamat! Now I can celebrate my victory!
EDIT: I didn’t expect this post to blow up. Please don’t snip and post this on other subs or other platforms. Let this sub serves it’s purpose. I just want these thoughts to get off my chest! Thanks!