pulag experience
hindi ako nakaakyat ng pulag. hanggang lagpas camp 1 lang ako. hindi na ako nakarating sa camp 2, binaba na nila ako. sa ranger station pa lang, lamig na lamig na ako. maski patag yung dinadaanan, hinihingal ako. hindi ako makahinga sa nipis ng hangin (3 degrees that timeyung temp). balot na balot ako, naka thermal din lahat ng suot ko. may scarf and towel na nakatakip sa bibig at ilong ko, plus may heatpacks din sa mukha at sa kamay. ginawa ko lahat ng preparation, from physical to essentials prepared ako. akala ko ready na ako. yung katawan ko hindi nilalamig, i suspect sa mukha pumapasok yung lamig kahit may takip na.
dumating sa point na naninigas na yung labi ko at hindi maramdaman. Yung mga kasama ko pagdating ng camp 1 nagbawas sila ng layer kasi pawis na pawis sila, partida wala pa silang scarf na nakatakip sa mukha. samantalang ako, balot na lahat, pero lamig na lamig pa din.
binaba na ako ng sweeper dahil di ko na kaya yung lamig, naninikip na yung lalamunan ko at pati dila ko naninigas na. yung hangin manipis, sobrang hirap ako huminga. kahit sa patag or nakatigil, nahihirapan ako huminga.
nang makabalik kami sa homestay, nagbalot ako sa kumot. sobrang lamig ng kamay ko, bumaba na din ata temperature ko kaya di ako pinapawisan. Mga isang oras ako sa homestay pero hirap ako huminga, sa bibig pa din ako humihinga. Isanh oras nakarecover yung lungs ko at nakabalik sa normal breathing.
help! gusto ko bumalik. 😭 gusto ko makarating sa summit. may suggestion ba kayo pano ko ipprepare katawan ko sa lamig? balak ko bumalik next yr para may 1 yr ako to prepare. Im also planning magpaconsult sa pulmonologist ko since weak lungs ako, dalawang beses ako nagkasakit sa baga. I also consider bringing portable oxygen mask. Willing ako gawin lahat maakyat lang mt pulag 🥺