Is love enough to you stay? Ikaw ba?
Problem/Goal: Di gusto ng parents ko bf ko para sakin, at confused na din ako sa feelings ko pero di ko sya gustong saktan.
Context: Hi, I'm 25 (F) and bf is 26 (M). To sum it up, hindi sya gusto ng parents ko para sakin dahil troubled sila sa magiging future namin. Mahirap pamilya nila, hindi pa nya natapos pag-aaral nya dahil sa sariling kapabayaan din. He lost his mom last 2023. 7 sila, pangatlo sya, at ang bunso is special child. Ilang months din bago sya nagka work since nung supposed to be graduation nya. And he's on his 2nd job right now, na hindi nya nakuha kung hindi ko sya prinessure to look for one. Masasabi ko din na wala syang diskarte sa buhay. Kontento na sa kung anong meron sya. Troubled din naman ako sa magiging future namin, based on how I know him ngayon. Hindi rin sya kagwapohan, but he is a good man. He really is, and I know he loves me so much. Hindi nya rin gusto mga nangyayari sa kanya but palagi nyang rason si wala syang magawa, which I oppose with "pag gusto laging may paraan" dahil hindi naman sya disabled or what. I even supported his studies nung nag attempt syang tapusin ang last 2 subjects nya, but hindi nya rin natapos. That time, nakaramdam ako ng pagod. Like willing nga ako sumuporta sa kanya, but sya hindi willing tapusin pag-aaral nya. Wala syang work that time after resigning to his first. Ang allowance na binigay ko naging pang araw-araw din nila, and I confronted him about it. Like bakit di ka mag hanap ng sideline? Maraming working students, willing mag sakripisyo just to finish their studies. Ganyan din naman yung isa nyang kapatid, but sya di nya magawa. Isa din to sa mga issue ng parents ko sa kanya, lalo na si mama. Nakikita nyang walang enough drive bf ko to be better. Ni hindi alam pano mag drive ng motor, walang diploma at diskarte sa buhay. Naaawa din sila sa kanya but sabi ni mama she should priotitize our future than her mercy sa bf ko. Okay daw sana if tinapos nalang pag-aaral total 2 subjects nalang naman din, but dun palang, wala na daw determinasyon sa buhay. Bf ko na din mismo nag sabi, he can give nothing but love.
You know why it's hard? Kasi alam kong in doubt and confused nadin ako sa feelings ko sa current bf ko, but I can't let him go just like that kasi para sakin ang petty ng reasons ko. 3 years na kami, but I don't think I'm sure of him or like want him to be in my future pa 100%. While, HE IS A GOOD MAN. He takes care of me when he can, give me what he can, and nakikita ko naman na he tries after all that I've said everytime we talked about our future. Yes, we already talked kung ano ang ayaw ko sa kanya at ng parents ko sa kanya. Pero bakit parang, di na ganon ka solid feelings ko? Did I fall out of love? Do I no longer have faith sa amin? Naaawa nalang ba ako sa kanya kaya nag sistay nalang ako? But I don't want to hurt him more because I know he's been hurting since he lost his mom at sa sitwasyon ng buhay nila. Petty ba reason ko o gina gaslight ko nalang self ko na he's a good man?
Then, may bet and family ko para sakin. Childhood family friend na since maliliit palang kami is kami na parang pinagkasundo sa huli. Now, we are both a graduate. Board passer sya sa course nya, tall, dark, may itsura (di ko sasabihing handsome childhood tropa ko eh). He also is a good man, may plano sa buhay, mapagmahal sa pamilya, family oriented, walang bisyo, at masipag at alam halos lahat ng gawain sa bahay man or field. Bet na bet sya ng family ko para sakin and even asking me to break up with my current bf at sa kanya nalang daw. But what I feel about him is just what we call "platonic love" ba yun? Mahal mo sya, but not romantically. Mula bata magkakilala na kayo eh at close din.
Hindi ito dahil sa guy na nirereto ng family ko sakin. Even after my bf lost his first job and wala pang other guy sa picture (kasi my gf ding iba that time), nag fifade na talaga love ko sa kanya, dahil nga sa parang wala syang drive to be better sa life despite his situation. I must admit, naapektohan desisyon ko sa mga advices or sinasabi ng family ko sakin, kasi tama naman sila in most part. Before pa dumating ang childhood friend ko sa picture, di na talaga nila bet bf ko dahil nga sa kawalang diskarte sa buhay. I just mentioned that other guy, kasi nga naapektohan na din mga naiisip ko sa mga sinasabi nila. I don't know what to do na. Mas lalo akong na confuse dahil pati family ko, may sinasabi na din. Di ko naman basta2 masabi to sa mga friends ko kasi ayokong ijudge nila kami. This has been bugging me for almost a year already but kami pa rin.
Previous attempts: We already talked multiple times, and I even asked for space but never nya nabigay kasi di nya daw kaya and ayaw nyang mas mapalayo ako sa kanya.He always say, give him a chance to be better. And I can see his progress din naman ngayon but parang di na nga tama. So now, okay kami. Everytime na nakikita ko reaction nya pag nag uusap kami naaawa ako. I just don't want to hurt him more, but at the same time, di mawala wala sa isip ko to. Sa isip at puso ko. Summary lang to. Madami pang reasons why nag fade love ko na hindi ko ma explain, at masyado nang mahaba to. I just don't know.