[UPX] Ang dami kong iyak, kala ko patapon akong student
Back in college, akala ko ang bobo ko. May times na hindi ko nagegets lectures. May times na tinatamad akong pumasok... at di talaga pumapasok. Maraming beses akong umiyak sa UP!
From good grades, I started getting singkos... i started drinking and smoking and I neglected school... nagjowa, nabroken heart. Naubusan ng pera. Nadelay pa nga paggraduate ko eh.
Pero ayun, pagkagraduate ko, okay naman... siguro di pala ganun ka-okay kasi after college pala eh mas mahirap ang challenges. Pero kaya naman, mas resilient na nga lang.
It's been 12 years since I graduated and now, I have a really cool job with high salary, you'd never think a 34 y.o. would earn (isang job lang not multiple and with work life balance). Siguro kung malalaman lang ng mga prof ko noon salary ko ngayon, magugulat sila. Nagulat din ako eh. I wasn't a stellar student, but I rocked after I graduated.
Skl sa mga students na nawawalan ng pag-asa. Kaya mo yan. Makakagraduate ka. The future is bright.