Is breaking up the solution?

Ako (M29)
GF (F25)

Not quite sure how this will turn out, but here goes nothing.

3 years na kaming magkasintahan,
things went south lately, dahil nalaman niya na nakikipag-usap ako sa mga katrabaho kong babae. (and majority ng mga katrabaho ko is mga babae, at ako ang pinaka techsupport ng office)
nakikipagbiruan ako sa kanila, as a form of pakikisama

and eto siguro yung pagkakamali ko (hindi ko sinabi sa GF ko na hindi ko sila kinakausap professionally) pero wala akong ibang intention, wala akong balak magloko or lumandi. Kasi alam din nilang committed ako sa GF ko

whenever my GF ask me, kumusta ako sa work, and sino mga kinausap ko, I always tell a lie na wala. (knowing her na magagalit kapag ginawa ko yun, may pagkaselosa kasi sya)

but there was a point na nagalit sya and she even asked me to take a screen recording ng lahat ng conversation ko sa mga kawork ko

and she's really mad kasi bakit ko daw nagawa yun itago sa kaniya (pero wala naman akong kalandian or something)

there was one incident before, na nahuli nya akong kachat ko yung kaibigan kong babae, and nagalit siya kasi hindi ko sinabi yun sa kaniya.

What I can say is, sobrang lala na ng trust issues niya.
And I feel like we're drifting apart, we're heading in different directions in our relationship.
mahal ko siya, mahal na mahal, pero tama bang makipaghiwalay sa kaniya para matigil na yung mga sakit na naipapadama ko sa kaniya

(and I feel bad, kasi eto nga, not sure if this is a form of lying nanaman, kasi hindi siya aware na gumawa ako ng reddit account para lang magpost dito, pasensya na, kasi wala akong kaibigan talaga na pwede kong malapitan)

comment or message me kung sakali mang may mga opinions or insights kayo, maraming salamat